Previous Page Table of Contents Next Page


APPENDIX 1
Paggawa ng “Fishpen”
(Fishpen Construction)

A. Pakinabang sa “fishpen” at “fishcage”

  1. Pinatunayan ng karanasan simula pa noong 1974 na: mataas ang aning isda at malaki ang tinutubo sa “fishpen”.

  2. Tinatayang ang tutubuin bawat taon ay mga P 36 232 sa 2.5 ektarya, P 54 795 sa 5 ektarya, at P 74 880 sa 10 ektarya.

  3. Pagkakataon ng maliliit na mangingisda tungo sa maunlad na pamumuhay.

B. Pagpili ng pagtatayuan ng “fishpen”

  1. Dapat na sa loob ng “fishpen belt” na itinakda ng LLDA.

  2. Katamtamang agos ng tubig.

  3. Malalim ang putik o burak. Iwasan ang matigas at mabatong lugar.

  4. Ang lalim ng tubig ay hindi kukulangin sa 1–1/2 metro sa tag-araw.

  5. Kung maaari piliin ang lugar na di lantad sa malaking alon o malakas na hangin.

C. Umiiral na hugis at sukat ng “fishpen” at “cage” sa Laguna de Bay

  1. Hugis — pabilog, parisukat at parihaba, at iba pa.

  2. Mayroon o walang depensa. Inirerekomenda ang may depensa.

  3. Sukat — mula sa kulang isang ektarya hanggang mahigit 100 ektarya. Karamihan sa maliliit 1 hanggang 5 ektarya. Katamtamang laki — mga pangkat na binubuo ng 5–10; 10–20; 20–50 ektarya Ang mga malalaki — 50 hanggang 100 ektarya o higit pa.

  4. Rekomendadong sukat ng LLDA sa pagpapautang 2.5, 5 at 10 ektarya, parisukat o “square” at may depensa.

D. Mga sangkap ng “fishpen”

  1. Kawayang tulos na sabitan ng mga lambat.

  2. Lambat na sanggalang o “barrier” sa halamang tubig at bagay na tangay ng agos.

  3. Lambat na kinalalagyan ng isdang palalakihin o “pen enclosure”.

  4. Lambat ng semilyahan o “nursery” ng bangus.

  5. Kubong bantayan.

E. Kailangang mga katangiang husay o “skills” sa paggawa

  1. Husay sa pagbabaon ng kawayan. Matuwid ang linya at sapat ang lalim ng baon.

  2. Husay sa pagpitis ng mga dugtungan at sulok ng lambat.

  3. Husay sa paglalagay ng lubid sa ibabaw at ilalim ng lambat.

  4. Husay sa katamtamang paghigit at pagsasabit ng lambat sa mga tulos.

  5. Maayos na pagtatali sa mga kawayang tulos, gabay at suhay, at paglalagay ng palutang at pabigat.

F. Kailangang materyales, kalidad o uri

  1. Kawayang tama sa gulang, may laking 4 hanggang 5 pulgada ang puno at 1 0 higit pang pulgada ang dulo, habang 10 hanggang 12 metro na gagamitin sa:

  2. Klase ng lambat

  3. Palutang o “float” — 800 gramo ang bigat bawat isa.

  4. Pabigat sa ilalim ng lambat; 10 kg, konkreto sa “pen enclosure”, 2 kg sa semilyahan.

  5. Laki ng lubid (polyethylene) na gamit sa:

  6. Pang pitis (pisi) — 1 mm, polyester.

  7. Panali sa dugtungan ng mga kawayan:

G. Karagdagang sukat o “specifications” sa paggawa

  1. Pagitan ng kawayang tulos:

  2. Bilang ng gabay:

  3. Bilang ng suhay:

H. Mga suliranin sa paggawa ng “fishpen”

  1. Pagkabalam ng dating o kapos ang materyales.

  2. Pagtutulos ng tuwid lalo na kung malalaki ang alon.

  3. Kakaunti ang bihasang magtulos ng wasto at matuwid sa linya.

  4. Maaaring makawala ang isda kung hindi mahusay ang pagkakapitis ng sugpungan at mga sulok, at pagkalagay ng pabigat sa ilalim ng lambat.

  5. Pagkakalas ng tali kung hindi wasto ang pagkagawa.

Luwang ng
Fishpen
(Ektarya)
Haba ng lambat sa PenLubidRolyoPalutangBilang ng
Pabigat
10 kg
2 kg*
M  
BanatBitin10 mm6 mm
2.5632822748882633267
59001 17012951 655893368
101 2641 644262013 5171 265520

* Sa semilyahan lamang gamit


Luwang
(ektarya)
Pangpitis
(karete)
Panali
(bigkis)
2.5232370
5462510
10981120

Previous Page Top of Page Next Page